INAASAHANG anumang araw ay isasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga pulis na tinaguriang ninja cops.
Tiniyak ito ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go dahil na kay Pangulong Duterte na ang pangalan ng mga pulis na nasa listahan na ibinahagi sa Senado ni dating CIDG chief, Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Pinaba-validate na ni Duterte sa ilang ahensiya ng pamahalaan ang nasabing listahan upang makatiyak na tama ito.
Agad ma naisumite sa Pangulo ang Senate report na pawang napakaraming pahina na agad namang binasa ng Chief Executive.
Bukod sa report ng Senado, nagsumite rin ng report ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at PNP Chief, Director-General Oscar Albayalde.
Comments are closed.