Napakaraming batikos ang inabot ng ama ni Niño Muhlach na su Alex Muhlach, dahil sa edad na 82, may girlfriend ito ngayong 30 years old lamang. Si Mae o Maymay Fortaleza.
Considering ang edad ni Niño Muhlach, pwede na niyang maging anak ang girlfriend ng kanyang ama.
Sabi ni Niño:
“Dear bashers… di ba kayo natutuwa na may 2 tao na nagmamahalan? Kami nga mga kamag-anak eh natutuwa para sa kanila eh. Di naman kayo apektado di ba? Good vibes lang!”
Isa itong Mayo-Disyembre affair na katulad na katulad ng kay Batangas Governor Hermilando Mandanas sa kanyang kakakasal pa lamang na asawang abogada. Hindi naman si Alex ang nauna, bakit siya ang binabatikos ng husto! Pag tanders na, hindi na pwedeng magmahal?
Fine, 52 years ang agwat ng kanilang edad, pero hindi sapat na dahilan iyon para i-bash sila.
Pero hindi rin naman natin masisisi ang mga netizens na maging concerned sa nasabing isyu, dahil sobrang napalapit sa puso nila ang pamilyang Muhlach dahil kay Niño na siyang natatanging “Child Wonder” of Philippine movies.
Dagdag pa ni Niño:
“Nakaka-depress at malas sa buhay when you talk bad about other people you dont know. Be happy guys!
“Isa pa hindi naman namin magagawa yung alagang ginagawa nya sa Daddy ko eh. This is the happiest I have seen my dad. Bigat sa buhay pag puro kanegahan!”
Kung ang panganay na anak naman ni Niño na si Sandro Muhlach ang tatanungin, basta raw masaya ang Lolo Alex niya ay walang problema sa kanya. Alam daw ng Lolo Niya ang kanyang ginagawa at walang karapatan ang sinuman na husgahan siya. Nauunawaan umano niya sina Alex at Maymay.
Birthday ni Alex Hunyo 9, 2024 at 82 years old na siya. Sabi ni Sandro, kahit matanda na ang kanyang Lolo ay guwapo pa rin ito at matikas. Ipinagmamalaki niyang sa Lolo siya nagmana.
RLVN