MAKATI CITY – PINANINIWALAANG biktima ng mistaken identity ang dating empleyado ng taxi company nang pagbabarilin ito habang lulan ng sasakyan kasama ang misis na papunta sana sa simbahan kahapon ng umaga sa Osmeña Highway, Brgy. Bangkal.
Nakilala ang biktima na si Jesus Dimayuga, 63-anyos, residente ng nasabing barangay.
Batay sa asawa ng biktima na si Ramona, sakay sila sa kanilang Honda CRV nang bigla na lamahg sila nilapitan ng suspek na nakasuot ng olive green jacket at bigla na lamang pinaputukan ang kanilang sasakyan.
Narekober mula sa crime scene ilang empty shells ng 9 mm pistol.
Giit naman ng biyuda ni Dimayuga, walang kaaway ang kanyang mister.
Nagpapatuloy naman ang manhunt operation laban sa suspek. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM