NAGSASAGAWA ang Department of Agriculture (DA) ng komprehensibong pagrepaso sa mga regulasyon na may kinalaman sa pagbiyahe ng livestock at poultry upang tugunan ang supply challenges na pinalala ng nagtatagal na animal health issues.
Sa isang statement, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pagrebyu sa mga umiiral na regulasyon ay isasagawa na may konsultasyon sa industry groups, partikular ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc.
“This extensive review of regulations, including DA Administrative Order (AO) No. 5, Series of 2019, aims to ease supply bottlenecks for chicken and pork without compromising food safety. It will also help manage expected demand spikes during the holiday season,” sabi ni Tiu Laurel.
Ang DA Administrative Order No. 5, na inisyu noong 2019, ay nagtatakda ng mga alituntunin para sa local transport ng mga hayop, animal products, at by-products upang protektahan ang kalusugan ng publiko at malabanan ang mga banta sa kalusugan ng mga hayop.
Ang regulasyon ay nagpapatupad ng mahigpit na timelines para sa pagkuha ng transport permits at nagtatakda ng special requirements para sa mga partikular na hayop at produkto.
Nirerepaso rin ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang DA Administrative Circular No. 2, Series of 2022, na nagbago sa National Zoning and Movement Plan upang kontrolin ang African Swine Fever (ASF).
Ang nagpapatuloy na problema sa ASF ay puminsala sa hog industry magmula nang magkaroon ito ng outbreak noong 2019.
Para puksain ang ASF, ang DA ay nakikipagtulungan sa Food and Drug Administration (FDA) upang gawing commercially available ang ASF vaccines sa Pilipinas.
“We aim to streamline these processes and update safety measures to ensure stable supply and reasonable prices for pork, poultry, and other products, while safeguarding both public health and the livestock industry,” sabi ni Tiu Laurel.
Anang agriculture chief, ang pagrepaso sa mga polisiya ay bahagi ng 10-point agenda ng DA “to strike a balance between development and regulation.” Ma. Luisa Macabuhay- Garcia