NKTI NANGANGAMBA NA SA PATULOY NA PAGDAMI NG COVID-19 CASES

Rose Marie Rosete-Liquete

NANGANGAMBA  na ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa patuloy na pagtaas ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients na kanilang tinatanggap.

Ayon kay NKTI Executive Director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, dahil sa pagdami ng mga pasyente ay posibleng makompromiso rin ang kalusugan ng health workers.

Ani Liquete, hindi na maituturing na healthy ang environment sa pagamutan –hindi lamang para sa mga kawani, kundi para sa mga pasyente.

Hindi rin umano maaaring magdagdag ng mga kama sa ospital para sa mga COVID-19 patients dahil obligado rin silang tumanggap ng mga pasyenteng may ibang karamdaman.

Nabatid na sa East Avenue Medical Center ay nasa critical level na ang kaso ng CO­VID-19.

Ipinabatid ni Dennis Ordonia, tagapagsalita ng EAMC, na tumaas ang bilang ng COVID-19 patients sa kanilang ospital mula nang ibaba sa general community quarantine ang Metro Manila. DWIZ882

Comments are closed.