Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Phoenix vs Blackwater
7 p.m. – Ginebra vs Columbian
GINIBA ng NorthPort ang NLEX, 102-94, upang mapanatiling buhay ang kanilang kampanya sa playoffs sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Pinangunahan ni import Michael Qualls ang opensiba ng Batang Pier sa pagkamada ng 36 points. Kumalawit siya ng 11 rebounds, nagbigay ng 5 assists at gumawa ng 2 blocks at 2 steals nang putulin ng Batang Pier ang five-game winning streak ng league-leading Road Warriors.
Tumipa si Christian Standhardinger ng 23 points at 19 rebounds upang tulungan si Qualls para sa NorthPort, na tinapos ang two-game slide at umangat sa 4-5 kartada upang malagpasan ang Alaska sa No. 8 spot.
Dikit ang laban at kumalas ang Batang Pier sa fourth quarter tungo sa panalo.
Nakalulungkot ang pagkatalo ng Road Warriors na dalawang beses na lumamang ng 11 points, 28-17 at 47-36.
“We played lousy game. We committed lapses and made poor shots selections. It’s quite frustrating to see things fell apart,” malungkot na pahayag ni coach Yeng Guiao
Nagbuhos si import Manny Harris ng 34 points, 8 rebounds, at 3 blocks para sa Road Warriors, na nalasap ang ikalawang pagkatalo sa 10 laro.
Sa kabila ng kabiguan ay nanatili ang NLEX sa ibabaw ng standings kasalo ang Meralco.
Iskor:
NorthPort (102) – Qualls 36, Standhardinger 23, Anthony 19, Ferrer 9, Elorde 7, Taha 4, Lanete 2, Mercado 2, King 0, Escoto 0.
NLEX (94) – Harris 34, Ravena 16, Quinahan 10, Erram 7, Cruz 7, Fonacier 6, Miranda 5, Paniamogan 4, Taulava 3, Soyud 2, Alas 0, Ighalo 0.
QS: 25-28, 43-51, 81-78, 102-94.
Comments are closed.