UMAASA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos at tuluyan nang madaraanan ang NLEX Harbor Link Segment 10 na magdudugtong mula sa Caloocan City hanggang Valenzuela City.
Tiniyak ni DPWH Secretary Mark Villar na 100 % ng malinis ang mga daraanan ng nasabing expressway mula sa sa Karuhatan, Valenzuela City hanggang sa C3 Road, Caloocan City.
Sa buwan ng Disyembre ngayong taon inaasahang matatapos ang naturang expressway upang maibsan ang problema sa trapiko dahil sa pagdami ng mga sasakyan para sa kapaskuhan.
Ang NLEX Harbor Link Segment 10 ay may habang 5.65-km ay bumabaybay sa NLEX mula sa MacArthur Highway Karuhatan, Valenzuela City, patungong Malabon City at C3 Road, Caloocan City, at 2.6-km section sa pagitan ng C3 Road, Caloocan City at R10, Navotas City.
Ayon pa sa kalihim, umaabot na ngayon sa 83 porsiyento ang natatapos na sa NLEX Harbor Link Segment 10, na rito ay direktang daraan ang mga cargo truck ng 24/7 mula sa pantalan o port ng bansa patungo sa mga lalawigan sa Northern Luzon sa pamamagitan ng NLEX. PAUL ROLDAN
Comments are closed.