SIMULA sa Lunes, Hunyo 15, ay pakikinabangan na ng mga motorista ang North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link C3-R10 section.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, sa oras na mabuksan na ito, aabot na lamang ng 15 hanggang 20 minuto ang biyahe mula Maynila hanggang Quezon City.
Bukod dito, makikinabang din, aniya, ang mga truck na dating binabaybay ang kahabaan ng C-3.
Ang NLEX Harbor Link C3-R10 section ay nagdurugtong sa Caloocan Interchange at sa Road 10 sa Navotas City.
Samantala, sinab ni Villar na maaari nang makaakyat ang mga truck at pribadong sasakyan na mula sa R-10 padiretsong NLEX.
Ang konstruksiyon ng proyekto ay pansamantalang natigil dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine noong Marso.
Ayon kay Villar, ipinagpatuloy ito noong Mayo 19 nang payagan ng Inter-Agency Task Force. DWIZ 882
Comments are closed.