Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Blackwater vs San Miguel
7:30 p.m. – Terrafirma vs Meralco
PINUTOL ng NLEX ang four-game slide at pinalakas ang kanilang kampanya para sa isang puwesto sa quarterfinals makaraang pulbusin ang Phoenix Super LPG, 104-79, sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Umiskor si DeQuan Jones ng game-high 27 points habang nagposte si Robert Bolick ng 19 points at 9 dimes para sa Road Warriors.
Maging sina Baser Amer, Enoch Valdez at Jonnel Policarpio ay tumulong upang maitarak ng Road Warriors ang hanggang 94-61 kalamangan, bago nanalasa sa huling 6:31 ng laro.
Sa panalo ay umangat ang NLEX sa 4-5 kartada at naungusan ang Blackwater sa fourth sa Group B. Isa pang panalo kontra Barangay Ginebra sa Linggo ay aabante ang tropa ni coach Jong Uichico sa susunod na round.
Masisira ang plano ng NLEX kapag natalo ito sa Kings at namayani ang Bossing kapwa sa San Miguel Beermen sa Sabado at sa Rain or Shine Elasto Painters sa Linggo.
“Hindi pa naman kami automatic na papasok, siyempre depende din sa Blackwater. Pero they realized the importance of this game,” sabi ni Uichico.
“Hindi naman namin puwedeng ma-discount ‘yung fact na they still have a shot at getting to the quarterfinals if they win both games,” dagdag pa ni Uichico. “Kami… we did our job today and then we’ll try to do our job also on Sunday.”
Opisyal na tinapos ng Phoenix ang kanilang kampanya na may 1-9 marka.
Nanguna si Sean Manganti para sa Phienix na may 13 points.
CLYDE MARIANO