NLEX ROAD WARRIORS IBEBENTA NA SA SM GROUP?

on the spot- pilipino mirror

KABIBILIBAN ang Pinoy skateboarders na patuloy na namamayagpag sa kabila ng kawalan ng isang tunay at world-class training facility.

At para kay Carl Sembrano, bagong halal na pangulo ng Skateboarding and Rollerskates Sports Association of the Philippines (ARSAP), malaki ang tiyansa ng Pinoy – hindi lang isa bagkus higit pa – na makalaro sa 2020 Tokyo Olympics.

“Kahit ako talagang nagugulat sa ipinakikitang galing ng ating mga skater. After  dominating the SEA Games, tuloy ang magandang performance natin particularly sa abroad. To tell you frankly, ako mismo nagugulat sa kanilang ga­ling, despite the fact that we have no international standard training facility,” pahayag ni Sembrano.

“Sa US tournament, halos isang oras lang nagsanay ang ating mga skater sa facility na first time lang nilang nalaruan. After the event, No.5 si Margielyn Didal. What more kung mayroon tayong pasilidad na pagsasanayan nila.

“Kaya po kami ay dumudulog sa pamahalaan at sa pribagong sektor na tulungan kami na makapagpatayo ng pasilidad na batay sa international standard. Ang PSC at POC po ay sumusuporta sa amin sa lahat ng aspeto pero iba po ‘yung sarili naming pasilidad,” aniya.

May itinayong skateboarding facility sa Tagaytay City na ginamit din sa 30th SEA Games nitong Disyembre, ngunit sinabi ni Sembrano na hindi ito international standard dahil gawa lamang mga mahihinang material.

“But again, despite this, our skaters won six gold medals with Didal dominating the SKATE and women’s street skate completion,” sambit ni Sembrano sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Kasama niyang dumalo sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR, at Community Basketball Association, sina SEAG gold medalist (downhill) Jaime de Lange at SEAG silver winner (Street) Mark Feliciano, gayundin ang koponan ng Quezon City Defenders ng National Basketball League (NBL) at karate organizers David Lay at Rudy Ochoa.

Tulad ni Didal, kasalukuyang No. 8 sa World Ranking ng Street event, nakatuon din ang pansin nina De Lange at Feliciano, gayundin ang iba pang miyembro ng National Team sa pagsabak sa Olympic qualifying event sa abroad.

“Because of the coronavirus scare, hindi nakasali ang ating mga skater sa Olympic qualifying sa HongKong and Australia. Mayroon pa namang nakalinya na puwedeng salihan and hopefully, makakuha tayo ng slots for the Tokyo Games,” aniya.

Para kay De Lange, hindi lamang ang Olympics ang kanyang pakay kundi  ang maparami ang kabataang Pinoy na sumubok na lumaro ng skare-boarding.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa siya ng skaketboarding clinics nanglibre sa Filinvest, Muntinlupa.

***

Kaya raw panay ang pagpapa-trade ng mga player ng NLEX Road Warriors ay dahil posible umanong ibenta na ito ng MVP group. How true na nagkakausap na si  Mr. Manny Pangilinan at ang SM group para bilhin ang NLEX dahil nalulugi nga ito. Mula kasi nang lumahok ang Road Warriors ay hindi pa ito nagtsa-champion. Ang tanong ko lang naman, bakit ang Meralco, hindi pa rin naman nakapag-uuwi ng kampeonato. ‘Yun nga lang, ilang beses nang lumaban ang Bolts sa championship game. Ang huli nga ay lumaban sila kontra Brgy Ginebra.

Sa totoo lang, matagal na rin namang nagpaparamdam  ang SM na gustong pumasok sa PBA, tumatayming lamang sila kung may magbebenta ng franchise. At ito nga ang NLEX Road Warriors. Pati nga ba si Kiefer Ravena ay nakalinya na ring ilipat sa TNT KaTropa? Abangan natin ‘yan. Puwedeng totoo, puwedeng hindi.

Comments are closed.