NM BERNARDINO NAGHARI SA ARMAGEDDON CHESS TOURNAMENT

NAIBALIK ni National Master Almario Marlon Bernardino Jr. ang kanyang porma mula sa losers’ brackets at tinalo si National Master Jeremy Marticio, 2-1, sa Single Knockout Armageddon Tournament (SiKAT) noong Biyernes, Disyembre 6,  sa Pavilion Mall, Greenfield District, Mandaluyong City.

Si Bernardino, isang certified chess master ng United States, ay natalo kay Marticio sa unang laro na naglagay sa kanya sa losers’  bracket.

Ngunit nakabangon ang 47-anyos na si Bernardino at ginapi sina  Juan Patallo, Roger Abisan, Candidate Master Genghis Imperial at National Master Romeo Alcodia, ayon sa pagkakasunod-sunod, upang makapasok sa Finals.  Kailangang talunin ni Marticio ang lahat ng kalaban na kinabibilangan nina Imperial at Alcodia para makuha ang twice-to-beat advantage sa finals.

Sa finals ay dalawang beses kinailangang talunin ni Bernardino si Marticio.

Si Bernardino (5 minuto), naglalaro ng itim na piyesa ay draw kay Marticio (6 minuto) sa kanilang King’s Indian skirmish.

Sa Armageddon format, ang isang manlalaro na may mga itim na piyesa ay nangangailangan ng isang draw upang masigurado ang panalo.

Pagkatapos ay tinalo ni Bernardino (6 minuto) si Marticio (5 minuto) gamit ang puting piyesa sa kanilang ikalawang game tie breaker ng Catalan Opening.

“‘I am very happy with the results. I am extremely satisfied with the outcome,” sabi ng Quezon City at Mandaluyong City bet na si Bernardino, na kararating lamang sa Manila noong Disyembre 2 mula sa 15 araw na  Europe sojourn.

Si Bernardino ang coach at delegation head ng PH chess team na nanalo ng 2 golds at 1 bronze  sa 32nd FIDE World Senior Chess Championship na ginanap sa Hotel Baleira, Porto Santo Island, Portugal noong Nob. 16-29, 2024.

Kabilang sa mga sumusuporta sa kanyang kampanya sa chess dito at sa ibang bansa sina ALC Group of Companies Chairman at CEO D. Edgard A. Cabangon , Mayor Luis “Jon Jon” Ferrer IV,  International Billiard and Snooker Champion Marlon Manalo, National Chess Federation of the Philippines Chairman/President Prospero “Butch” Pichay Jr. , CEO/Executive Director GM Jayson Gonzales at G. Jessie Villasin.