LUMAGDA ang bagong operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa isang partnership sa Manila Electric Company (Meralco) upang masiguro ang maaasahang power supply sa pangunahing paliparan ng bansa.
Ang partnership sa pagitan ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) at ng Meralco ay nilagdaan sa tanggapan ng huli sa Pasig City.
“By enhancing power reliability for the new NAIA, we are going to help empower the tourism and travel industry, support economic growth and enrich the travel experience for countless travelers. This will be a step towards NNIC’s goal of transforming our country’s vital gateway into a world-class facility,” wika ni Meralco chair Manuel V. Pangilinan.
Sa isang statement, sinabi ni NNIC president Ramon S. Ang na ang pagtugon sa power reliability ang pangunahin nilang prayoridad, kasama ang operational improvements tulad ng pagpapaluwag sa trapiko, pagpapalawak sa mga kalsada, pagpapahupa sa baha at pagpapalit ng faulty equipment.
Magugunitang ang airport ay ilang beses na dumanas ng power interruptions. Noong September 2022, hindi bababa sa 31 flights ang na-delay dahil sa power outage sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City, na nagresulta sa pagkagambala ng mga operasyon, manual check-in at loading ng mga bagahe, at mas mahabang processing at immigration counters.
Noong June 2023, isa pang power interruption ang tumama sa parehong terminal, na nagresulta sa pagkansela sa pitong flights, gayundin sa mahabang pila sa immigration.
Magmula noon, ang dating operator Manila International Airport Authority ay nagtakda ng maintenance upang matugunan ang isyu.
Sa pakikipagpartner ng private consortium NNIC sa Meralco, ilang inisyatiba ang isinasagawa.
Kabilang dito ang pagtatayo ng isang bagong 115 kilovolt (kV) – 34.5 kV GIS substation upang serbisyuhan ang lahat ng NAIA terminals.
“This new NAIA substation will complement Meralco’s existing NAIA-3 substation which will ultimately provide two 83-MVA transformer banks and six 34.5 kV underground feeders for enhanced reliability, redundancy, and future-readiness,” ayon sa NNIC.