NNIC STATUS QUO SA TERMINAL ASSIGNMENTS

MULING iginiit ng New NAIA infra Corporation (NNIC) sa publiko na walang agarang pagbabagong magaganap sa mga terminal assignment sa Ninoy Aquino Unternational Airport.

Ito ang tiniyak ni NNIC General Manager Angelito Alvarez kasunod ng turnover ka­makailan sa mga operasyon sa Paliparan.

Ayon kay Alvarez, ang status quo ay nananatili habang ang mga operasyon sa airport ay patuloy na maayos sa ilalim ng bagong pamamahala.

Tiniyak ni Alvarez na ipapaalam unti unti sa mga manlalakbay ang anumang pagbabago sa terminal sa hinaharap, upang matiyak ang maayos at mahusay na paglilipat bilang bahagi ng mas malawak na mo­dernisasyon.

Aniya, nakahanay na rin ang mga pagsasaayos at patuloy na pag-upgrade ng imprastraktura at teknikal sa paliparan upang matiyak ang tuloy tuloy ang magandang karanasan ng mga pasahero.

Idinagdag pa ni Alvarez na ang mga terminal reassignments ay hindi ipapatupad nang sabay-sabay ngunit unti-unti sa paglipas ng panahon na may layu­ning mabawasan ang anumang abala.

CRISPIN RIZAL