RIZAL-ISANG suspected kidnap for ransom syndicate member at itinuturing na most wanted person na may kasong murder ang napatay sa inilunsad na law enforcement operation na pinangunahan ng PNP-Anti Kidnapping Group kahapon ng umaga sa Antipolo City.
Ayon kay PNP-AKG Spokesman P/Major Ronaldo Lumactod, bandang alas-9:30 ng umaga nang ikasa ang joint law enforcement operation na pinangungunahan ng PNP-Anti Kidnapping Group na pinamumunuan ni P/Brig General Jonnel C. Estomo.
Bitbit ng mga ito ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marybelle L Demot- Marinas Presiding Judge ng Branch 8 RTC LA Trinidad, Benguet with Criminal Case No. 13-CR-9418, with NO BAIL RECOMMENDED, sinalakay ang pinagtataguan ng suspek na si Marlo Lacasti sa Sitio Sapinit, Brgy San Juan, Antipolo City, Rizal.
Pinangunguna nina P/Col Villaflor S. Bannawan , PNP-AKG Chief, LFU under the direct supervision NI P/BGEN Jonnel C. Estomo Director, AKG, kasama ang PIB Benguet PPO at Antipolo CPS, ang pagsisilbi sana ng mandamiento de aresto subalit agad silang sinalubong ng putok ng suspek.
Dahil dito, napilitan ng gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta ng pagkamatay ni Lacasti.
Ang suspek ang siyang pangunahing suspek sa isang Ginang Juat na pinagtataga at ginahasa sa loob ng mismo ng kanyang bahay bago pinatay sa Sitio Sayangan, Tuel, Tublay, Benguet noong Marso 2013.
Si Lacasti ay target ng manhunt operation ng PRO CORDILLERA at nakatala bilang No.1 (MWP) MOST WANTED PERSON Municipal level, Tublay, Benguet nitong 2018.
Nakuha sa crime scene ang gamit nitong Cal.45 pistol na kargado ng bala at isang Cal. 45 fired cartridges case. VERLIN RUIZ
Comments are closed.