NO. 1 MOST WANTED PATAY SA ENCOUNTER

encounter

RIZAL-ISANG suspected kidnap for ransom syndicate member at itinuturing na most wanted person na may kasong murder ang napatay sa inilunsad na law enforcement operation na pinangunahan ng PNP-Anti Kidnapping Group kahapon ng umaga sa Antipolo City.

Ayon kay PNP-AKG Spokesman P/Major  Ronaldo Lumactod, bandang alas-9:30 ng umaga nang ikasa ang joint law enforcement operation na pinangungunahan ng PNP-Anti Kidnapping Group na pinamumunuan ni P/Brig General Jonnel C. Estomo.

Bitbit ng mga ito ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marybelle L Demot- Marinas Presiding Judge ng  Branch 8 RTC LA Trinidad, Benguet with Criminal  Case No. 13-CR-9418, with NO BAIL RECOMMENDED, sinalakay ang pinagtataguan ng suspek na si Marlo Lacasti sa Sitio Sapinit, Brgy  San Juan,  Antipolo City, Rizal.

Pinangunguna nina P/Col Villaflor S. Bannawan , PNP-AKG Chief, LFU  under the  direct supervision NI  P/BGEN Jonnel C. Estomo Director, AKG, kasama ang PIB Benguet PPO at Antipolo CPS, ang pagsisilbi sana ng mandamiento de aresto subalit agad silang sinalubong ng putok ng  suspek.

Dahil dito, napilitan ng gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta ng pagkamatay ni Lacasti.

Ang suspek ang siyang pangunahing suspek sa isang Ginang Juat na pinagtataga at ginahasa sa loob ng mismo ng kanyang bahay bago pinatay sa Sitio Sayangan, Tuel, Tublay, Benguet noong  Marso 2013.

Si Lacasti ay target ng manhunt operation ng  PRO CORDILLERA at nakatala bilang  No.1 (MWP) MOST WANTED PERSON  Municipal level, Tublay, Benguet nitong 2018.

Nakuha sa crime scene ang gamit nitong Cal.45 pistol na kargado ng bala at isang Cal. 45 fired cartridges  case.         VERLIN RUIZ

4 thoughts on “NO. 1 MOST WANTED PATAY SA ENCOUNTER”

  1. 730699 851414You ought to join in a tournament 1st of the greatest blogs on the web. I will recommend this internet internet site! 93573

  2. 85801 33572I discovered your blog web site on google and check a few of your early posts. Continue to maintain up the extremely good operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading much more from you later on! 829341

Comments are closed.