NASAYANG ng Rain or Shine ang double-digit lead sa third quarter subalit nakabawi sa overtime upang igupo ang Meralco, 106-99, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Ang krusyal na panalo ay nagbigay sa Elasto Painters ng 9-1 kartada at nakasiguro na sila ng No. 1 seed sa playoffs.
Masakit naman ang pagkatalo para sa Bolts, na tinapos ang elimination round na may back-to-back losses para sa 7-4 record.
Nanguna si Reggie Johnson para sa Elasto Painters na may 21 points, kabilang ang isang triple, na nagbigay sa koponan ng 99-96 bentahe, may 3:46 ang nalalabi, at game-high 18 rebounds, bukod pa sa 3 blocks.
“Another overtime game for us. I think this is our fourth overtime game this conference and we won all four and it just shows the test of character of this team,” wika ni RoS head coach Caloy Garcia.
“I’m happy about it but it’s still a long way to go for us. We can still get better,” dagdag pa niya.
Nagdagdag si Maverick Ahanmisi ng 20 points, 8 rebounds at 6 assists, habang gumawa sina Chris Tiu at Ed Daquioag ng 13 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Painters.
Nakahabol ang Bolts mula sa 18-point deficit sa third quarter subalit hindi nagawang madaig ang Elasto Painters sa huli. CLYDE MARIANO
Iskor:
Rain or Shine (106) – Johnson 21, Ahanmisi 2, Tiu 13, Daquioag 11, Almazan 9, Norwood 9, Yap 7, Belga 5, Nambatac 5, Ponferada 4, Casiño 2.
Meralco (99) – Newsome 21, Onuaku 20, Amer 19, De Ocampo 10, Canaeta 9, Hodge 7, Caram 4, Lanete 3, Dillinger 3, Tolomia 3.
QS: 28-27, 64-51, 84-81, 96-96, 106-99.
Comments are closed.