No. 1 SEED NABAWI NG WARRIORS

warriors

NAGBALIK si Stephen Curry mula sa one-game absence upang magsalpak ng limang 3-pointers at game-high 26 points nang pataubin ng Golden State Warriors ang Detroit Pistons, 121-114, sa Oakland, California noong Linggo ng gabi.

Nakabawi ang Warriors mula sa 35-point loss sa Dallas Mavericks.

Ang panalo ng Golden State, na sinamahan ng pagkatalo ng Indiana sa Denver, ay nagbigay-daan upang umangat ang Warriors ng kalahating laro sa Nuggets sa karera para sa best record sa Western Conference.

Nahulog ang Detroit sa sixth hanggang seventh sa Eastern Conference at lalong nagpainit sa five-team battle para sa huling tatlong playoff spots.  Kabilang sa mga nag-aagawan ang Brooklyn Nets, Miami Heat, Orlando Magic at Charlotte Hornets.

Tumipa si Blake Griffin ng 24 points, at nagdagdag si Andre Drummond ng  12-point, 11-rebound double-double para sa Pistons, na bumuslo ng 46.4 percent overall at 12 for 31 (38.7 percent) sa 3-pointers.

SPURS 115,

CELTICS 96

Nagbuhos si LaMarcus Aldridge ng 48 points at 13 rebounds nang gapiin ng bumibisitang San Antonio ang Boston upang putulin ang two-game losing streak.

Ang kinamadang puntos ni Aldridge ang second-most sa kanyang career, kasunod ng 56 sa double-overtime win laban sa Oklahoma City sa kaagahan ng  season.

Nagdagdag si DeMar DeRozan ng 16 points para sa Spurs, na nanalo ng 10 sa kanilang huling 12 games, habang gumawa si Patty Mills ng 12 points mula sa  bench, at humugot si Jakob Poeltl ng 10 rebounds para sa San Antonio.

Nanguna si Marcus Smart para sa Celtics na may 14 points, habang nag-ambag sina Marcus Morris at Gordon Hayward ng tig-13, at umiskor sina Kyrie Irving at Daniel Theis ng tig-11 points.

Nalasap ng Celtics ang ika-4 na sunod na kabiguan.

ROCKETS 113, PELICANS 90

Tumirada si James Harden ng 28 points at nakuha ng Houston ang isang  playoff berth nang magaan na dispatsahin ang host New Orleans.

Kumarera ang Rockets sa ika-14 na panalo sa 16 games at nanatili sa third place sa Western Conference.

Nagtala si Frank Jackson ng 19 points, nagdagdag si Julius Randle ng 15, umiskor si Stanley Johnson ng 13 at nagposte si Anthony Davis ng 12 points at 10 rebounds upang pangunahan ang Pelicans, na natalo sa ika-8 pagkakataon sa siyam na laro.

HORNETS 115, RAPTORS 114

Isang desperation 48-foot 3-pointer ni  Jeremy Lamb sa buzzer ang nagbigay sa bumibisitang Charlotte ng stunning victory sa Toronto.

Makaraang maghabol ang Raptors ng  14 points, wala nang isang minuto sa  fourth quarter, binigyan sila ni Kawhi Leonard ng kalamangan sa isang jumper, may 45 segundo ang nalalabi, pagkatapos ay gumawa ng block sa kabilang dulo. Subalit may isa pang malaking play ang nalabi sa Hornets, at naitala nila ang ikatlong sunod na panalo.

Umiskor si Kemba Walker ng 15 points at nagdagdag ng 13 assists at 8  rebounds para sa Hornets,  na pinangunahan sa scoring ni Dwayne Bacon na may 20 points.

Sa iba pang laro, tinambakan ng Bucks ang Cavaliers, 127-105; pinadapa ng

Clippers ang Knicks, 124- 113; at pinayuko ng Lakers ang Kings, 111- 106.

3 thoughts on “No. 1 SEED NABAWI NG WARRIORS”

  1. 876306 322048A person essentially support to make seriously articles I would state. This is the initial time I frequented your web site page and thus far? I surprised with the research you produced to make this particular publish incredible. Wonderful job! 253486

Comments are closed.