Standings W L
*Letran 7 1
SSC-R 6 2
Mapua 6 2
LSGH 5 3
San Beda 5 3
Perpetual 4 4
LPU 3 5
JRU 2 6
Arellano 2 6
EAC 0 8
*Final Four
Mga laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
7:30 a.m. – LPU vs Arellano
9:30 a.m. – LSGH vs SSC-R
11:30 a.m. – Letran vs Mapua
2:30 p.m. – San Beda vs EAC
4:30 p.m. – Perpetual vs JRU
MAGTATAPOS ang karera para sa nalalabing tatlong Final Four berths sa huling elimination round gameday ng NCAA juniors basketball tournament ngayon sa San Andres Sports Complex.
May league-best 7-1 mark, ang Letran ay nakapuwesto na sa semifinals at target ngayon na makopo ang No. 1 ranking.
Lumalaban para sa tatlong nalalabing slots ang San Sebastian at Mapua, na tabla sa second place sa 6-2, at CSB-La Salle Green Hills at defending champion San Beda, kapwa may 5-3 kartada sa joint fourth.
Umaasa ang Staglets at Red Robins na makaiwas sa tiebreaker complications sa panalo kontra vGreenies sa alas-9:30 ng umaga at Squires sa alas-11:30 ng umaga, ayon sa pagkakasunod.
Ang LSGH at San Beda, na makakaharap ang winless Emilio Aguinaldo College sa alas-2:30 ng hapon, ay gagawin ang lahat para sa panalo at umasang papabor sa kanila ang tiebreaker para sa puwesto sa Final Four.
Sa iba pang laro, magsasagupa ang also-rans Lyceum of the Philippines University at Arellano University sa alas-7:30 ng umags, habang magsasalpukan ang sibak nang University of Perpetual Help System Dalta at Jose Rizal University sa alas-4:30 ng hapon.