No. 10 SA PIRATES; ‘F4’ BONUS SA EAGLES

LPU

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre)

12 noon – EAC vs Perpetual (Men)

2 p.m. – Letran vs San Beda (Men)

4 p.m. – LPU vs Mapua (Men)

NAGPASABOG si Jaycee Marcelino ng 20 sa kanyang 25 points sa second half nang makaulit ang Lyceum of the Philippines University laban sa Letran, 97-90, upang manatili sa ikalawang puwesto sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Naglaro na hindi maganda ang pakiramdam, nagkumahog si Jaycee Marcelino sa first half kung saan abante ang Knights sa 44-40, bago bumalik sa porma ang Pirates guard at kumana ng 8-of-12 mula sa field sa huling dalawang periods.

“Again, it’s the blessing of basketball. It’s about not giving up. That’s the dedication of this kid, batang Olongapo iyan,” wika ni LPU coach Topex Robinson patungkol kay Marcelino, na nagpahinga ng limang araw bago bumalik sa training noong Huwebes.

Nagdagdag si Reymar Caduyac ng 20 points, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals habang tumipa si Cameroon’s Mike Nzeusseu ng 16 points, 9 boards at 2 assists para sa Pirates.

Umangat ang LPU sa 10-3 kartada, isa’t kalahating laro ang angat sa third-running Letran (9-5).  Ang panalo ng last season’s runner-ups ay nagbigay rin sa defending champion San Beda (14-0) ng unang twice-to-beat incentive sa Final Four.

Sa iba pang laro ay ginulantang ng also-ran Emilio Aguinaldo College ang San Sebastian, 79-75, upang putulin ang 10-game losing streak, habang patuloy s pagpapasiklab si Kent Salado nang palawigin ng Arellano University ang losing streak ng College of Saint Benilde sa pamamagitan ng 75-69 decision.

Katabla ngayon ng San Sebastian, may three-game losing streak, ang Mapua sa fourth spot sa 7-6.

Ito ang unang panalo ng EAC magmula nang maitala ang  84-82 upset sa LPU noong nakaraang Hulyo 12.

Iskor:

Unang laro:

Arellano (75) – Salado 18, Sablan 14, Arana 13, Bayla 9, Concepcion 8, Talampas 6, Oliva 5, Santos 2, Sunga 0, Alcoriza 0, Espiritu 0.

CSB (69) – Gutang 15, Belgica 13, Dixon 9, Nayve 8, Haruna 6, Leutcheu 6, Carlos 5, Naboa 2, Young 2, Flores 2, Sangco 1, Lim 0.

QS: 13-15, 33-29, 57-47, 75-69

Ikalawang laro:

EAC (79) – Taywan 16, Gurtiza 16, Mendoza 15, Maguliano 7, De Guzman 7, Boffa 6, Corilla 3, Martin 3, Gonzales 2, Luciano 2, Dayrit 2, Estacio 0, Cadua 0.

SSC-R (75) – Bulanadi 28, Capobres 13, Ilagan 10, Desoyo 10, Calahat 7, Calma 3, Sumoda 2, Villapando 2, Tero 0, Altamirano 0, Isidro 0, Cosari 0.

QS: 20-14, 34-24, 55-49, 79-75

Ikatlong laro:

LPU (97) – JC. Marcelino 25, Caduyac 20, Nzeusseu 16, Ibañez 12, David 11, Tansingco 4, Pretta 3, JV. Marcelino 2, Valdez 2, Guinto 2, Santos 0, Navarro 0.

Letran (90) – Reyson 20, Muyang 16, Ular 14, Caralipio 8, Batiller 7, Ambohot 7, Balanza 6, Olivario 4, Javillonar 4, Mina 3, Yu 1, Pambid 0.

QS: 23-20, 40-44, 71-66, 97-90

Comments are closed.