NO.20 MOST WANTED PERSON NALAMBAT

BATANGAS-NALAMBAT ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang pang No. 20 most wanted person ng Caloocan City sa kanyang pinagtataguan lugar sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU-NPD) chief Lt. Col.Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Roy Macario, 51-anyos, construction worker ng No. 70 Gen. Concepcion St. Brgy 132, Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay Dimaandal, ang pagkakaaresto kay Macario ay resulta ng intelligence research at pinaigting na operation kontra most wanted person sa pamamagitan ng patnubay at matibay na pamumuno ni NPD Director Brig.Gen. Jose Hidalgo Jr.

Matapos ang natanggap na impormasyon mula NDIT-RIU NCR hinggil sa pinagtataguan ng akusado ay agad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni PMSg Eleazer Lazaro saka ikinasa ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Macario sa Purok Uno, Brgy Ping-as, Alitagtag, Batangas dakong alas-2:20 ng hapon.

Si Macario ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Lorenza Bordios ng RTC Branch 126, Caloocan City para sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang P200,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Base sa impormasyon, noong Marso 2019 ay nagalit ang akusado nang suntukin umano ni Ryan Jumampo ang kanyang anak na may epileptic.

Armado ng patalim, hinanap ni Macario si Jumampo at nang matagpuan nito sa Concepcion St., Brgy. 132, Caloocan City ay sinaksak ng akusado ang biktima sa katawan bago mabilis na tumakas habang isinugod naman ang biktima sa hospital para magamot. EVELYN GARCIA

147 thoughts on “NO.20 MOST WANTED PERSON NALAMBAT”

  1. 293446 602180I just want to tell you that Im extremely new to weblog and honestly liked this internet internet site. Far more than likely Im preparing to bookmark your blog post . You certainly come with exceptional articles and reviews. Bless you for sharing your internet web site. 639940

  2. 507205 43757informatii interesante si utile postate pe blogul dumneavoastra. dar ca si o paranteza , ce parere aveti de inchirierea apartamente vacanta ?. 725081

  3. 843428 527673Wow! This could be one specific with the most beneficial blogs Weve ever arrive across on this topic. Basically Outstanding. Im also an expert in this topic therefore I can understand your effort. 315427

Comments are closed.