NO. 3 MOST WANTED NG SARIAYA, NADAKIP

nadakip

NUEVA ECIJA – NAARESTO ng mga pulis ang no. 3 most wanted person ng Sariaya, Quezon na may kasong panggagahasa sa manhunt operation sa San Leonardo, Nueva Ecija kamakalawa.

Hindi nakapalag si Carlo Mania, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Coso, Casiguran, Aurora nang arestuhin ng mga pulis sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Rizal, San Leonardo, Nueva Ecija.

Inaresto si Mania sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Patricia Angeles Cataquiz-Fidel ng RTC Branch 58, Lucena City para sa kasong rape na walang piyansa.

“Even weekends are not rest days for us and all police units are working together as we vow to account all persons sought by law and put them behind bars,” sabi ni PBrig. Joel Napoleon Coronel, direktor ng Central Luzon-PNP sa Camp Olivas, San Fer-nando City, Pampanga. A. BORLONGAN

4 thoughts on “NO. 3 MOST WANTED NG SARIAYA, NADAKIP”

  1. 514175 332045Spot on with this write-up, I really suppose this internet website needs rather more consideration. most likely be once far more to learn a lot a lot more, thanks for that information. 45381

Comments are closed.