NO.4 MOST WANTED NASAKOTE

PANGASINAN- DAHIL sa pinaigting na manhunt operation ng mga awtoridad ay nasakote ng pinagsanib na puwersa ng City of San Jose del Monte at Malasiqui PNP ang isang lalaki na kabilang sa Top 4 most wanted sa Gitnang Luzon.

Sa report na tinanggap ni PNP Pro3 Director BGen.Cesar Pasiwen mula kaya PNP Bulacan Provincial Director Col.Relly Arnedo, kinilala ang suspek na si Jan Carlo Valdez Guevarra, 19-anyos, binata, tubong Tarlac at residente ng Brgy, San Manuel, San Jose del Monte City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-8:30 ng umaga nang maaresto ang suspek sa pinagtataguan nito sa Brgy. Warey, Malasiqui, Pangasinan.

Nabatid na dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na may cc.no.594-SJDM- 2022 sa kasong Statutory Rape na inilabas ni Branch 5 FC Regional Trial Court Judge Hon. Ma. Cristina Geronimo Juanson.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa City of San Jose del Monte City Jail kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang kalayaan. THONY ARCENAL