TARLAC – NAARESTO ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ang No.7 na kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga at isa pang drug pusher sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Brgy. Poblacion Sur at Norte sa bayan ng Paniqui.
Sa report na ipinadala ni Supt. Napoleon Pablo Duquez kay PNP Provincial Director Ritchie Posadas, kinilala ang nadakip na si Gerry Aguilar y Ordonio, 46-anyos; Rogelio Dacuma y Obenario, 51-anyos, binata, alyas Kiko ng Poblacion Norte, habang nadakip naman sa follow-up operation ang tatlong kawatan na sina Jeffrey Buan y Ofrecio, 24, alyas Snake; Ronnie Torres y Tanedo, 33-anyos, at Leo Dayawan y Malibali, 40-anyos, kapuwa ng Brgy. Acocolao.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nadakip ang dalawang tulak at nahulihan sila ng ilang gramo ng hinihinalang shabu.
Habang nabawi ng mga awtoridad sa safehouse ng tatlong magnanakaw ang iba’t ibang tools at equipment na nagkakahalaga ng P19,000.
Nabatid sa caretaker na si Ron Feliciano na winasak ng mga suspek ang pintuan ng isang warehouse ng isang construction sa Brgy. Salumague sa nabanggit na bayan.
Samantala, nahaharap sa kasong paglabag sa sec. 5, article-ll ng RA 9165 ang dalawang drug pusher at paglabag naman sa qualified theft at robbery ang kaso ng tatlong iba pa. THONY ARCENAL
Comments are closed.