NAGBUHOS si Kyrie Irving ng 34 points upang pangunahan ang Brooklyn Nets aa hard-fought 115-108 victory laban sa Cleveland Cavaliers nitong Martes sa isang Eastern Conference play-in game sa New York.
Sa panalo ay nasilo ng Brooklyn ang No. 7 seed sa Eastern Conference playoffs, at sisimulan ng Nets ang kanilang first-round series kontra Celtics sa Linggo sa Boston.
Sa Biyernes ay magiging host ang Cavaliers sa mananalo sa Wednesday game sa pagitan ng Charlotte Hornets at ng Atlanta Hawks para matukoy ang koponan na magiging No. 8 seed at makakaharap sa first-round matchup ang top-seeded Miami Heat.
Naipasok ni Irving, dating Cavaliers guard, ang kanyang unang 12 tira at tumapos din na may game-high 12 assists. Bumuslo si Irving ng 12 of 15 mula sa field, 3 of 6 mula sa 3-point arc at 7 of 7 mula sa foul line.
Gayunman ay si Brooklyn’s Kevin Durant ang bumuslo ng crucial baskets sa fourth quarter makaraang lumapit ang Cavaliers ng 6 points.
Nagsalansan si Durant ng 25 points, 5 rebounds, 11 assists, 3 blocks at 2 steals. Nagbigay siya ng 27 assists sa kanyang huling dalawang laro.
Nagdagdag si Brooklyn’s Bruce Brown ng 18 points, 9 rebounds, 8 assists at 3 steals.
T’WOLVES 109,
CLIPPERS 104
Umiskor si Anthony Edwards ng 30 points, nagdagdag si D’Angelo Russell ng 29 points at magiging bahagi ang Minnesota Timberwolves ng playoffs sa ikalawang pagkakataon pa lamang sa nakalipas na 18 seasons makaraang gapiin ang Los Angeles Clippers sa play-in round sa Minneapolis.
Tumipa si Malik Beasley ng 12 points at kumalawit si dating Clippers guard Patrick Beverley ng 11 rebounds para sa Timberwolves, na makakabangga ang second-seeded Memphis Grizzlies sa first round. Nakatakda ang Game 1 sa Memphis sa Sabado.
Gumawa lamang si Karl-Anthony Towns ng 11 points sa 3-of-11 shooting sa loob ng 24 minuto bago na-foul out para sa Minnesota, na nalusutan ang 10-point, fourth-quarter deficit.
Nagsalpak si Paul George ng anim na 3-pointers at nagtala ng 34 points para sa Clippers, na may isa pang pagkakataon para makasama sa postseason field sa pagharap sa New Orleans Pelicans o San Antonio Spurs sa Biyernes.
Kumubra si Reggie Jackson ng 17 points, nagdagdag si Norman Powell ng 16 at kumabig si Marcus Morris Sr. ng 12 para sa Los Angeles.