IPATUTUPAD na ng Department of Transportation (DOTR) ang ‘no beep card, no ride’ policy sa mga pasahero ng EDSA busway system simula sa Huwebes, Oktubre 1.
Ayon sa DOTR, bahagi ito ng kanilang hakbang para sa cashless transactions upang mabawasan ang physical contact sa pagitan ng mga pasahero at service providers.
Gayundin ay makatutulong ito upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.
Dagdag pa ng DOTR, sa ganitong paraan ay magiging mas mabilis na rin ang transaksiyon at mababawa-san ang paghihintay ng mga pasahero na maaaring magbantad sa kanila sa virus. DWIZ 882
Comments are closed.