‘NO BEEP CARD, NO RIDE’ SUSPENDIHIN

BEEP CARD-2

INASUSUSPINDE ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang ‘no beep card, no ride’ policy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kahapon ay umarangkada na ang naturang polisiya sa EDSA Bus Ca¬rousel at iba pang public transportation kung saan ilang mga manggagawa ang hindi na nakapasok sa trabaho dahil eksakto lamang ang dalang pamasahe at inirereklamo rin ang mahal na singil sa kada beep card.

Hiniling ni Brosas na ipatigil ang polisiyang ito dahil sa umano’y maanomalyang presyo ng beep card na nasa P80 kada isa, P100 na load na kina-kailangang may maintaining balance na P65 at P5 na convenience fee sa kada pa-load sa third party service providers.

Bukod dito ay ipinare-refund din ng kongresista ang ibinayad ng mga commuter na napilitan lamang sa cashless payment para makapasok sa tra-baho.

Dagdag pa ng lady solon, ang gobyerno dapat ang namamahala sa aspeto ng ticketing sa transport systems at hindi ang mga pribadong kompanya upang matiyak na mabibigyan ng magandang serbisyo ang publiko.

Ang Beep payment system ay ino-operate ng AF Payments Incorporated.

Iginiit ng kongresista na hindi dapat ginagawang sangkalan ang pandemya at health protocols para pigain at pagkakitaan ang mga kawawang com-muter at mangaggawa.

Apektado rin, aniya, ng mandatory policy na ito ang 300 konduktor at ticketing inspectors na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya bunsod na rin ng implementasyon ng cashless payment system. CONDE BATAC

Comments are closed.