HINDI dapat gawing requirement ng mga establisimyento sa National Capital Region (NCR) ang booster shot.
Ito ang sinabi ni Department of Health Technical Advisory Group Dr. Edsel Salvana kaugnay sa rekomendasyon ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na kailangan ng mga establisimyento sa Metro Manila ang patunay na nabakunahan na ng booster shot sa Marso o Abril.
Aniya, malayo pa sa panahon na mabibigyan ng booster dose ang lahat ng indibidwal dahil marami pang hindi natuturukan ng first dose.
Sinabi ni Concepcion na sa Amerika ay kinakailangang magpakita ng booster cards bago makapasok sa mga establisimiyento.
Dapat aniyang gayahin ang polisiya sa Metro Manila kung saan mataas ang vaccination rate.
“In [Metro] Manila, we should now enforce that this booster cards be shown. You have to bring your vaccination card and your booster card,” sabi ni Concepcion.
Samantala, tinitignan ng DepEd na mapanatili ang mga feature ng distance learning sakaling bumalik sa normal ang bansa mula sa pandemya.
Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, magiging regular feature sa pagtuturo at pagkatuto ng mga guro at estudyante ang mga aspetong ito mula sa remote learning.
Matatandaang 60% sa curriculum ang tinanggal ng DepEd upang maisaayos ang naturang learning approach. DWIZ882