NO BREAK POLICY SA NAIA IPATUTUPAD

NO BREAK POLICY

PASAY CITY – IPATUTUPAD ang “No Break Policy” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA),  ayon sa napagkasunduan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at ng Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra upang maiwasan ang mahabang pila sa arrival at departure area.

Kaugnay nito, magtatalaga ang Bureau of Immigration (BI) at Manila International Airport Authority (MIAA) ng karagdagang immigration offi­cers at MIAA personnel sa apat na paliparan para matugunan ang problema sa airport.

Kasalukuyang nasa 500 immigration officers ang naka-deploy sa tatlong pangunahing airport sa bansa sa ilalalim ng tatlong palitan (3 shiftings) o sa loob ng 24 hours na nakabantay sa mga immigration counter para maiwasan ang mahabang pila.

Ayon sa pahayag ni Tugade, nakasalalay sa mga immigration officer ang kapakanan ng bansa bilang frontliners kaya nararapat na ang mga  immigration booth ay laging may tao.

Dagdag pa ni Tugade na  ito ay bilang preparasyon sa gaga­napin na South East Asia games sa bansa sa taong ito upang ma-organize ang daloy ng mga pasahero at maging mabilis ang proseso ng pagpasok at paglabas sa nasabing pasilidad.

Ayon pa kay Tugade bilang mga Filipino, kilala ang bansa sa magandang katangian na hospitality. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.