NILINAW ni Comelec spokesperson James Jimenez nitong Miyerkoles na walang malinaw na basehan ang disqualification case na isinampa laban kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Binigyang diin ni Jimenez na madi-disqualify lamang ang isang kandidato kung ito ay convicted o nahatulan na ng korte sa krimen na maihahanay sa “moral turpitude,” o kasong may 18-month na pagkakakulong.
Sinabi ni Jimenez na hindi angkop sa criteria si Bongbong at walang malinaw na basehan para sa disqualification case.
“He doesn’t meet this criteria. Right now there is no clear case for disqualification,” paglilinaw ni Jimenez sa panayam ng media.
Nitong Martes ay ilang grupo at personalidad na may kaugnayan sa Liberal Party (LP) ang nagsumite ng petisyom sa poll body na hinihiling na kanselahin o ibasura ang Certificate of Candidacy (COC) ng dating senador dahil sa sinasabing “false material representation” na nag-ugat sa 1995 tax case.
Sagot naman ng Chief of Staff ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez sa kanyang pahayag na: “We shall address this predictable nuisance Petition at the proper time and forum – after we receive the OFFICIAL copy of the same.”
Kinukuwestiyon ang eligibility ni Marcos na tumakbo sa Pampanguluhang halalan sa 2022 makaraang magbayad sa
Court of Appeals (CA) ng mandated fine sa1997 dahil sa tax case.
“Until then, we will refrain from commenting on their propaganda. Our camp does NOT engage in gutter politics. Our campaign is about nation-building. For Presidential aspirant Bongbong Marcos, this election is about the future of the Filipino people,” dagdag pa ni Rodriguez.
Sa hiwalay na radio interview, sinabi ni Marcos na: “Sasagutin na lang namin ito pagdating. Siguro kasama na rin yan sa pulitika. Lalo na “yung aming mga kalaban ay imbes na humarap sa eleksiyon… kasi siguro natatakot sila sa numero, idi-disqualify na lang ako. Pero hindi ako natatakot, hindi ako aatras, patuloy ang lahat ng aking gagawin, hindi ako mag-slide down. Patuloy lang ang aking kandidatura at sa aking mga supporters sa buong Pilipinas, nagpapasalamat ako na hindi nawawala ang inyong tiwala sa akin.”