NO CONTACT APPREHENSION PINATIGIL NG SC

PANSAMANTALANG pinatitigil ng Supreme Court (SC) ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) programs at kahalintulad na ordinansa sa Maynila matapos na magpalabas ng temporary restraining order (TRO).

Sa ginanap na SC Court En Banc, inaksiyunan ng hukuman ang petisyon ng Kilusan sa Pagbabago ang Industriya ng Transportasyon, Inc (KAPIT) laban sa Manila City Hall.

Ang mga respondent sa nabanggit na petisyon ay si Manila Mayor Honey Lacuna at ang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Agad na epektibo ang TRO at mananatili hangga’t walang kautusan ang Korte Suprema na muling ibalik ang implementasyon ng NCAP.

Samantala, itinakda naman ng Korte Suprema ang oral arguments sa naturang usapin sa Enero 24, 2023. PAUL ROLDAN