WINAKASAN ng Department of National Defense (DND) nitong Lunes ang ‘no cops, no troops deal” sa University of the Philippines (UP) kung saan kailangan munang humingi ng permiso ang mga awtoridad bago pumasok sa mga campus.
Ayon kay Defense Secretary Delfin lorenzana, nagiging balakid umano ito sa militar at pulis na bigyang proteksiyon ang UP Community lalo pa’t nakumpirmang may recruitment sa loob ng unibersidad ang Communist Party of the Philippines.
Nilinaw din ng kalihim, anumang oras ay maari nilang bawiin ang nasabing kasunduan.
“ Of course, ayaw na namin. We have determined that it doesn’t serve the interest of the students,” ani Lorenzana.
Kaugnay nito, nirerebisa rin ng DND at maging ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may mga kahalintulad ding kasunduan sa ibang paaaralan gaya ng sa UP.
Ayon kay Lorenzana, sakaling may mga kahalintulad na kasunduan ay ibabasura rin nila ito
Samantala, sa pamamagitan ng isang liham ay hiniling UP President Danilo Concepcion kay Lorenzana na irekonsidera ang desisyon nito na putulin ang matagal nang kasunduan na nagbabawal sa presensiya ng militar at pulis sa mga campus.
Sa liham ni Concepcion kay Lorenzana, nagpahayag ito ng “grave concern” sa hakbang ng kalihim kasabay ang pagsasabi na hindi ito nararapat at katanggap-tanggap.
“[The abrogation] may result in worsening rather than improving relations between our institutions, and detract from our common desire for peace, justice, and freedom in our society,” nakapaloob sa liham.
Sinasabing magreresulta ng kalituhan at pagkawala ng tiwala ng publiko sa pulisya at military ang desisyo ng DND.
“Instead of instilling confidence in our police and military, your decision can only sow more confusion and mistrust, given that you have not specified what it is that you exactly aim to do or put in place in lieu of the protections and courtesies afforded by the agreement,” ani Concepcion. VERLIN RUIZ
KABATAAN
PANGALAGAAN
VS EXTREMISM
UMAPELA ang DND sa UP community community na makipagtulungan para pangalagaan ang kabataan laban sa extremism.
Ito ang naging panawagan ni Lorenzana matapos na ipawalang bisa ang kasunduan na nagbabawal sa pulis at militar sa loob ng nasabing unibersidad.
Ayon sa kalihim, hindi na naangkop ang kasunduan sa ngayon dahil sa panahon na ipinatupad ito, ang UP ay naging breeding-ground ng “extremists” na nanghihikayat ng mga kabataan na lumaban sa pamahalaan.
Giit ng kalihim, hindi tatalikuran ng DND ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang karapatan ng nakararami at hindi kukunsintihin ang paglabag sa batas na naka-kubli sa likod ng freedom of assembly at kalayaan sa pamamahayag. EUNICE C.
Comments are closed.