NO FACE MASK AT FACE SHIELD SA PASAY ARESTADO

Emi Calixto-Rubiano

MAHIGPIT ng ipatutupad ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang sapilitang pagsusuot ng face mask at face shield na sakop ang buong mukha gayundin ang dati nang ipinapatupad na health protocols na naaayon sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, magtatalaga ang lokal na pamahalaan ng mga pulis na siyang manghuhuli sa mga lalabag sa naturang kautusan sa tulong ng mga opisyal ng barangay na magsisilbing suporta sa pang-aaresto ng mga pasaway na residente sa lungsod.

Ani Calixto-Rubiano, ang mga lalabag sa unang pagkakataon ay pagmumultahin ng P1,000 habang P2,000 naman sa ikalawang pagkakataon o pagkakulong ng 15 araw o parehong parusa depende sa desisyon ng korte samantalang sa mahuhuli ng pangatlong beses ay pagbabayarin ng P5,000 na multa o katumbas ng isang buwan na pagkakakulong o pagpapatupad ng parehong parusa ng korte.

Kaya’t nanawagan ang alkalde sa  mga residente na huwag balewalain ang naturang ordinansa na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan dahil malaking bagay ito upang masugpo ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod. MARIVIC  FERNANDEZ

Comments are closed.