‘NO FACE MASK, NO BOARDING’ SA NAIA

NAIA

MANDATORY na ang pagsusuot ng face mask at face shield sa lahat ng departing international at domestic passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula ngayong araw.

Ayon sa local at international carriers na nag-ooperate sa NAIA, ipatutupad ang ‘no face mask, no boarding’ bilang pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng airport terminals.

Kapag ang isang departing passenger ay walang suot na face mask sa check-in counter, oobligahin umano siya na bumili sa sa loob ng airport.

Sinabi ni Joanne Doromal, manager ng KLM Royal Dutch Airlines na nakatalaga sa NAIA terminal 3, kailanganG bumili ang mga pasaherong walang face mask sa loob ng mga terminal upang hindi ma-deny  sa kanyang flight.

Aniya, bilang miyembro ng Airline Operators Council (AOC) na nag-ooperate sa NAIA, ang pagsusuot ng face mask ay mandatory requirement ng Department of Transportation (DOTr).

Ang face shield na may cap ay mabibili sa NAIA sa halagang P350 habang ang  ordinary shield ay P150 ang bawat piraso.FROILAN MORALLOS

Comments are closed.