NO FEE SA ECQ PASS

Emi Calixto-Rubiano

PASAY CITY -IPINAG-UTOS ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pamimigay ng mga Enhanced Community Quarantine (ECQ) passes na walang kapalit na kabayaran at makukuha sa 201 barangays sa lungsod.

Ipinaliwanag ni Calixto-Rubiano na pagkakalooban ng isang ECQ pass ang bawat pamilya na magsisilbing permiso at kinakailangan na lag-ing dala ito ng isang miyembro ng pamilya sa kanyang paglabas sa bahay upang bumili lamang ng mga pangangailangan sa bahay tulad ng pamamalengke, pagbili ng mga esensyal na bagay gayundin ang pagbili ng gamot sa mga drugstores.

Ayon sa mayora, ang mga Punong Barangay ay kinakailangang magsumite sa Tanggapan ng Alkalde gayundin sa Liga ng mga Barangay ng listahan ng mga pangalan na kanlang binigyan ng mga ECQ passes.

Kasabay nito, sinabi ni Calixto-Rubiano na katuwang ng lungsod ang Philippine Army (PA) na siyang nagbibigay ng libreng sakay sa mga health workers na naninirahan sa lungsod ngunit nagtatrabaho sa ibang siyudad tulad ng Quezon City. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.