NO-FLY-ZONE SA PALIGID NG BATASAN COMPLEX

NO-FLY ZONE

ISINAILALIM ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paligid ng Batasan complex sa Quezon City bilang “no fly zone.”

Ang naturang kautusan ay kaugnay sa isasagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2019.

Ang nasabing direktiba ay iiral mula Hulyo 20 hanggang sa Hulyo 23, araw ng Martes.

Dahil dito, ipagbabawal ang lahat ng uri ng sasakyang panghimpapawid, kabilang ang mga remote con-trolled drones sa loob ng no-fly zone.

Comments are closed.