NO HOLIDAY CEASEFIRE

Edgard Arevalo

WALANG inirekomendang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na tigil-putukan sa pagitan ng Communist Terrorist Group.

Ayon kay AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo, hindi kailanman naging seryoso ang Communist Terrorist Group at maraming beses na lumabag sa holiday ceasefire.

Aniya, batay sa kanilang karanasan ay sinasamantala ng mga terorista ang holiday ceasefire para atakehin ang mga sundalo na nagsasagwa ng humanitarian at peace and development missions.

Bukod dito, tuloy pa rin ang mga terorista sa pangingikil at paggawa ng krimen tulad ng pagpatay at panununog.

Sinabi pa ni Arevalo, ginagamit din ng grupo ang peace talks para makapag-regroup at makapag-recruit ng mga bagong miyembro.

Gayunpaman, ani Arevalo suportado ng pamunuan ng AFP sa pangunguna ni Chief of Staff General Gilbert Gapay ang magiging desisyon ng Pangulo kaugnay sa tigil-putukan ngayong Kapaskuhan. REA SARMIENTO/ VERLIN RUIZ

2 thoughts on “NO HOLIDAY CEASEFIRE”

  1. 407599 910377hey was just seeing in the event you minded a comment. i like your website and the theme you picked is super. I will be back. 242254

Leave a Reply

Your email address will not be published.