Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – TNT vs Meralco
5:45 p.m. – San Miguel vs Ginebra
ISINALPAK ni Leonard ‘Santi’ Santillan ang game-winning layup para sa import-less Rain or Shine, na naitakas ang 120-118 panalo laban sa Terrafirma sa PBA Governors’ Cup nitong Huwebes sa Araneta Coliseum.
Nakaposisyon sa kanang bahagi ng floor, namataan ni Rey Nambatac si Santillan na libre sa ilalim ng basket para sa easy shot upang bigyan ang Rain or Shine ng kalamangan, may 0.7 segundo ang nalalabi.
Bago ang naturang possession, naitabla ni Terrafirma import Jordan Williams ang iskor sa 118-118 makaraang maipasok ang isang layup, may 24.3 segundo sa orasan.
Ang big man mula sa La Salle ay tumapos na may 21 points at 6 rebounds sa halos 31 minutong paglalaro.
Hindi nakapaglaro si Elasto Painters import Greg Smith makaraang mabigong makakuha ng Letter of Clearance (LOC) mula sa FIBA.
Sa panalo ay umangat ang tropa ni coach Yeng Guiao sa 2-4 kartada, kapareho ng sa Dyip.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Rain or Shine (120) – Caracut 25, Santillan 21, Norwood 18, Nambatac 14, Asistio 10, Belga 9, Borboran 8, Ildefonso 6, Yap 4, Ponferrada 3, Demusis 2, Clarito 0, Torres 0.
Terrafirma (118) – J.Williams 30, Tiongson 23, Camson 14, Cabagnot 13, Cahilig 13, Ramos 6, Gomez de Liano 6, Calvo 5, Gabayni 4, Alolino 3, Daquioag 1.
QS: 33-28, 59-57, 90-87, 120-11.