NO MASK, NO ENTRY IKINASA SA CAMP CRAME

FACE MASKS

QUEZON CITY – NAGHIGPIT na rin ang Philippine National Police (PNP) sa mga pumapasok sa National Headquarters sa Camp Crame.

Ito ay matapos itaas sa Code Red Sub-Level 2 ang alerto sa bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19).

Sa entrance pa lamang ay nakapaskil na ang ‘no face mask, no entry’ policy.

Mahigpit ding sinusuri ang body temperature ng mga pumapasok sa kampo.

Kapansin-pansin din na halos lahat ng mga naglalakad sa loob ng kampo at loob ng opisina ay naka-facemask.

Ipinapakita rin sa LED board sa harap ng NHQ building kung papaano nakukuha at makakaiwas sa CO­VID-19.

Matatandaang apat na pulis na ang nakitaan ng sintomas ng COVID-19 na ngayon ay naka-quarantine na. REA SARMIENTO

Comments are closed.