“NO MASK, NO FACE SHIELD, NO ENTRY” SA LRT AT MRT

LRT-4

MAHIGPIT na paiiralin ang “no mask, no face shield, no entry” policy sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT) at Manila Metro Rail Transit (MRT).

Ito ay kasunod ng kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na pagsusuot ng face shield ng publiko sa lahat ng mga pampublikong sasakyan para na rin sa proteksiyon at kaligtasan ng mga pasahero.

Ayon sa pamunuan ng  LRT at MRT, hindi papapasukin sa loob ng istasyon at hindi pasasakayin ng tren ang mga pasaherong walang suot na face mask at face shield.

Bawal pa rin ang pagsasalita o pakikipag-usap sa loob ng mga tren.

Comments are closed.