NO ML EXTENSION SINUPORTAHAN

SAP-BONG-GO

SUPORTADO ni Senador Christopher Bong Go kung sakaling hindi na matuloy ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao na matatapos ngayong December 31.

Ayon kay Go, kung talagang hindi na kaila­ngan ang batas militar sa Mindanao ay kanya itong susuportahan matapos na hindi pa rin nakakatanggap ng rekomendasyon mula sa security cluster para sa pagpapalawig ng Martial law sa naturang rehiyon.

Subalit, sinabi ng senador na napakaaga pa para asahan na hindi na kailangan ng  batas militar sa Mindanao.

Aniya, dapat na hintayin na muna ang rekomendasyon ng security cluster kung magpapatuloy o tatapusin na ang martial law.

Matatandaang nagsimula ang Martial Law sa Mindanao noong Mayo 23, 2017 sa panahon ng Marawi siege at dalawang beses na pinalawig ito na magtatapos ngayong katapusan ng taon 2019.

Nagpahayag naman ang PNP na posibleng ma-extend ang batas militar sa mga piling lugar sa Mindanao kung saan may posibleng pag-atake ng terorista. VICKY CERVALES

Comments are closed.