‘NO NEW DEATHS’ SA COVID-19

USec Ma Rosario Vergeire,

WALANG iniulat na na­sawi sa coronavirus disease kahapon, araw ng Huwebes habang may 225 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit.

Nananatili  sa 1,314 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos hanggang alas-4:00, Huwebes ng hapon (Hulyo 9), umabot na sa 51,754 ang confirmed cases ng  C­O­VID-19 sa Filipinas.

Nadagdagan kasi ng  1,395 ang   kaso ng CO­VID-19 kung saan 1,184 ang “fresh cases” habang 211 ang “late cases.”

Nasa  12,813  na ang total recoveries ng CO­VID-19 sa bansa.

Una rito ay inihayag ng Department of Health na bumababa ang bilang ng mga namamatay  sa CO­VID-19, na katumbas lamang ng 2.9 percent  ng mahigit sa 1,300 na CO­VID-19 related deaths.

Sa mga nakaraang araw ay halos wala pang 10 ang iniulat na nasasaawi sa COVID-19 sa araw-araw na pag-uulat ng DOH.

Ayon kay Vergeire, iyon  ay dahil eksperyensado na umano ang  mga doktor na humahawak ng mga pasyente. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.