WALA nang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagusap sa grupong Abu Sayyaf.
Ayon sa Pangulo, hindi niya gusto ang ginagawa ng Abu Sayyaf na pumapatay at namumugot ng mga bata at inosenteng tao.
Dahil dito, nanindigan ang Pangulo na hindi siya kailanman papasok sa usapang pangkapayapaan sa naturang teroristang grupo.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay taliwas sa kanyang tinuran noong Hulyo ng nakaraang taon na kung saan hiniling niya sa Abu Sayyaf na makipag-usap upang maresolba ang armadong pakikibaka sa Mindanao. DWIZ 882
Comments are closed.