“NO permit, no exam’ policy, a violation rights to education.”
Ito ang binigyang diin ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. makaraang isumite nito ang panukalang batas na naglalayong itigil na ang patakarang ‘no permit, no exam policy na kasalukuyang kalakaran sa mga paaralan.
Nabatid na umiiral ang ganitong sistema na labis na nagpapabigat sa isang estudyante dahil sa higpit o kawalang awa ng ilang unibersidad sa kanilang mga estudyante.
Aniya, kahit hindi ito ang layunin ng naturang polisiya ngunit may mga mag-aaral na nasira ang pag-aaral dahil sa hiyang bumalik sa eskuwela matapos na hindi makakuha ng eksaminasyon.
Ang no permit, no exam’ policy ay ginawang sistema ng mga unibersidad upang maobligang magbayad muna ang mga mag-aaral ng kanilang tuition na installment hanggang matapos ang school year.
Dahil dito, inihain ni Revilla ang Senate Bill No. 904 upang magkaroon ng panuntunan ang mga paaralang magpapatupad ng naturang polisiya o karampatang parusa.
Hindi papayagan ni Revilla na ang isang estudyante partikular ang post-secondary and higher education na pigilang makakuha ng midterm o final examination o kahalintulad na pagsusulit dahil lamang sa hindi nakabayad ng tuition bago mag-exam.
Sinabi pa ng senador, ang Commission on Higher Education (CHED) ay hindi rin pinapayagan ang sistemang “no permit, no exam”, pero kasalukuyan itong umiiral sa maraming paaralan. VICKY CERVALES
Comments are closed.