USA – TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino ang nabiktima sa magnitude 7.0 quake na tumama sa Kenai Peninsula, Alaska.
Ito ang kinumpirma ni DFA Assistant Secretary Elmer Cato at sinabing walang ulat na mayroong nasaktan sa nasabing sakuna.
Sinabi ng mga US official mula sa National Oceanic and Atmospheric Administration na nag-isyu sila ng tsunami warning makaraan ang pagyanig.
Pinaalalahanan naman ni Cato ang mga Pinoy sa Anchorage, na naging epicenter ng lindol na maging maingat.
Batay sa record, ayon kay Consul General Henry Bensurto na nasa San Franciso Philippine Consulate, mayroong 25,000 miyembro ng Filipino Community sa Alaska at 52 percent ng mga Asyano ay Filipino na pinakamataas na racial minority sa Anchorage.
Pinayuhan din ng Consulate General ang Filipino Community na asahan ang maraming aftershocks at manatili sa mga ligtas na lugar at iwasan muna ang mga hindi kailangang paglalakbay. EUNICE C.
Comments are closed.