WALANG pneumonia outbreak sa bansa.
Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Health Undersecretary Eric Domingo kasunod na rin nang mga kumakalat na ulat hinggil dito sa social media.
Sa katunayan, ani Domingo na mas bumaba pa ang bilang ng mga naitala nilang pneumonia cases noong Disyembre 2018 kumpara sa kahalintulad na panahon noong 2017.
Nabatid na ang pneumonia ay isang impeksiyon sa baga na kumplikasyon ng trangkaso at maaaring magdulot ng kamatayan kung lalala dahil mapapabayaan.
Sinabi ni Domingo na maaari naman itong maiwasan sa pamamagitan nang pagiging maingat at pagkakaroon ng tamang hygiene, lalo na kung panahon ng trangkaso.
“It is flu season and we urge everybody to take extra care and exercise proper hygiene,” ani Domingo. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.