NAKATAKDANG ilunsad ni US President-elect Donald Trump ang pinangangambang mass at largest deportation program sa kasaysayan ng America sa darating na Enero, 2025 laban sa milyong illegal immigrants na pumasok sa nasabing bansa partikular na sa mga may kasong kriminal na sinasabing pinalaya.
Sa statement ni Trump noong Huwebes sa NBC News Agency, naka-focus ang kanyang “Day 1 agenda” sa border and immigration crackdowns kung saan sinabi nito, “there is no price tag” pagdating sa mass deportation plan.
Ayon sa mga news agency na sumusubaysay sa araw-araw na campaign rally naka-focused ang speech ni Trump sa ilulunsad na largest deportation program sa American history kung saan katulong nito ang local police departments sa pakikipagtulungan ng federal agencies at iba pang ahensya ng gobyerno.
“It’s not a question of a price tag. it’s not, we have no choice. When people have killed and murdered, when drug lords have destroyed countries, and now they’re going to go back to those countries because they’re not staying here. There is no price tag”. dagdag pa ni Trump sa interview ng NBC News.
Base sa ulat ng NBC News Agency, ang mensahe ni Trump sa lahat ng kanyang campaign rally na may kaugnay sa immigration program kaya siya nanalo sa nakalipas na election.
Inihayag nito, “They want to have borders, and they like people coming in, but they have to come in with love for the country. They have to come in legally.”
Pinasalamatan naman ni Trump sina Harris at Biden makaraang tumawag sa pamamagitan ng phone call na sinabi nito sa dalawa na “very nice” and “very respectful both ways,” ayon sa ulat ng NBC News.
Kaugnay nito, lumilitaw sa CNN exit poll, si Trump ay pinaboran ng Latino men sa puntong 12 laban kay Vice President Kamala Harris.
Samantala, ayon sa mga news agency, ipinahayag din ni Trump na aabot sa 70 world leaders simula noong Miyerkules ng umaga ang tumawag sa kanya at nagbigay ng congratulatory message kabilang na sina Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at Ukranian President Volodymyr Zelenskyy ngunit si Russian President Vladimir Putin ay hindi pa tumawag.
MHAR BASCO