NO QR CODE, NO ENTRY POLICY SA CAUAYAN CITY

qr code

ISABELA-MAGSASAGAWA ng mas mahigpit na panuntunan o restriction ang pamahalaang Lungsod ng Cauayan para sa mga nagnanais na magtungo sa nasabing lungsod upang mapigilan ang pagkalat  ng COVID-19.

Ayon kay  Atty. Reina Santos, City Information Officer ng Cauayan City, Isabela, ang lahat na papasok sa lungsod ay hahanapan ng QR Code Pass alinsunod sa ipatutupad na ‘ no QR Code, no Entry Policy ng pamahalaang panglungsod sa darating na Agosto 17.

Isa sa kasama ng QR Code Pass ay ang health certificate, medical certificate valid ID at travel pass na siyang ipakikita sa mga check point na maaring daanan pagpasok sa Lungsod ng Cauayan.

Idinagdag pa ni Santos sa isinagawang press briefing na dinaluhan ng Tri-Media Isabela, ang mga dadaan sa Lungsod ng Cauayan ay hindi umano nila hahanapan ng QR Code kung may mga emergency cases na lalakarin o aayusin sa pamahalaang lungsod.

Layon nito na mapabilis ang isasagawang contract tracing ng COVID Task Force kung sakaling may mahawahan at magpositibo sa virus.

Gayundin ang pagtalima sa kautusan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na magiging mandatory na rin ang paggamit ng face shield lalo na mga pampublikong transportasyon na papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang hindi sumunod. IRENE GONZALES

Comments are closed.