PINURI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang lungsod ng San Juan dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa laban sa paninigarilyo at paggamit ng vape.
Saklaw ng ordinansa ang regulasyon sa pagbebenta, paggamit, pagpapakalat at advertisement ng sigarilyo at mga produktong may kinalaman sa tabako sa lungsod.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na kinikilala ng ahensiya ang pagsisikap ng San Juan LGU sa pagpruprotekta sa mga residente laban sa panganib na dulot ng pagsisigarilyo gaya ng vape at e-cigarettes.
Sinabi ng MMDA Chief na inaagapayan ng MMDA ang San Juan LGU upang mapalakas ang work force nito na naatangang magpakalat ng ordinansa at pagsunod ng mga residente.
Sa ilalim ng Comprehensive Smoke-Free and Vape-Free Ordinance ng San Juan City o Ordinance Number 14 Series of 2024, na ipinasa ng Sangguniang Panglunsod noong Marso 2024, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng mula P2,000 hanggang P5,000.
ELMA MORALES