MAHIGPIT ang pagpapatupad ng lokal na pamahalaan ng Paranaque sa implementasyon ng “No SMS Text No Entry” upang maiwasan ang pagdagsa ng mga taong nais magpabakuna sa mga vaccination sites sa lungsod.
Ayon sa Pamahalaang Panlunsod ng Parañaque kanila nang pinaalalahanan ang mga residente na magpakita ng katibayan tulad ng kanilang natanggap na text message bago sila papayagan na makapasok sa mga vaccination sites sa lungsod.
Sinabi ni Olivarez na kailangang ipakita ng isang indibidwal ang patient ID number gayundin ang slot number ng natanggap na SMS text message bago sila papapasukin sa loob ng vaccination site.
Dagdag pa ni Mayor Edwin Olivarez na sa mga indibidwal naman may iskedyul na tumanggap ng bakuna na napapabilang sa kategoryang A1 (health care workers) ay magpakita ng photocopy ng kanilang PRC ID o certificate of employment na nagpapatunay na sila ya nagtatrabaho sa isang health facility sa lungsod pati na rin ang photocopy ng kanilang valid ID na may address na may address sa lungsod.
Sa mga senior citizens naman na napapabilang sa kategorya ng A2 ay magpakita lamang ng kanilang OSCA ID na naka-address sa Paranaque gayundin ang medical clearance na ligtas ang mga itong turukan ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).
Ang mga may comorbidities naman na nasa kategorya ng A3, kailangan anmang magpakita ang mga ito ng photocopy ng medical certificate na inisyu ng hanggang 18 buwan pati na rin medical prescription na inisyu hanggang sa loob ng nakaraang 6 na buwan na may kalakip ang photocopy ng kanilang valid ID na may address sa Parañaque. MARIVIC FERNANDEZ
376440 523140I enjoy reading post. Hope i can find much more articles like this 1. Thanks for posting. 206706
294055 622130amazing post. Neer knew this, thanks for letting me know. 958289