CAMP AGUINALDO – WALANG special treatment na ipagkakaloob kay Sen. Antonio Trillanes IV sakaling dakpin ito at ikulong sa AFP Custodial Center sa Quezon City.
Ito ang ibinahagi ni Department of National Defense (DND) spokesperson Arsenio “Popong” Andolong sa isang pulong balitaan.
Agad na nilinaw ni Andolong na hindi napupulitika ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang professional organization na gumagalang sa chain of command.
Lumutang ang akusasyong naiimpluwensiyahan o napupulitika na ang AFP matapos na atasang arestuhin si Trillanes matapos na ipawalang bisa ang kanyang amnesty bunsod ng Proclamation 572 na inilabas ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Batay sa Proclamation 572, na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Agosto 31, wala umanong pending application for amnesty na ipinagkaloob sa lahat ng active at former personnel ng AFP and supporters na sumama sa bigong July 27, 2003 Oakwood Mutiny, February 2006 Marines stand-off at Nov. 29, 2007 Manila Peninsula incident.
Una nang iginiit ng senador na kompletoang dokumento na magpapatunay na may hawak siyang mga katibayan na magpapakita na nag-apply siya para sa amnestiya. VERLIN RUIZ
Comments are closed.